1 Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka’t sa iyo nanganganlong ako.
2 Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, Ikaw ay aking Panginoon:
Ako’y walang kabutihan liban sa iyo.
3 Tungkol sa mga banal na nangasa lupa,
Sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.
4 Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios:
Ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog,
Ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan Ex. 23:13.sa aking mga labi.
5 Deut. 32:9;Panag. 3:24.Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng Awit 23:5.aking saro:
Iyong inaalalayan ang aking kapalaran.
6 Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako;
Oo, ako’y may mainam na mana.
7 Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo:
Awit 17:3.Oo, tinuturuan ako sa gabi ng Awit 7:9.aking puso.
8 Awit 119:30;Gawa 2:25-28.Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko:
Sapagka’t kung siya ay Awit 109:31;121:5.nasa aking kanan, hindi ako makikilos.
9 Kaya’t ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak:
Ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
10 Gawa 13:35.Sapagka’t hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Awit 30:3.Sheol;
Ni hindi mo man titiisin ang iyong Mar. 1:24.banal ay makakita ng kabulukan.
11 Iyong ituturo sa akin Mat. 7:14.ang landas ng buhay:
Nasa iyong harapan Awit 17:15;21:6.ang kapuspusan ng kagalakan;
Sa iyong kanan ay may mga Awit 36:3.kasayahan magpakailan man.