Publicidade

Salmos 3

Panalangin sa umaga ng pagtitiwala sa Panginoon. #2 Sam. 15:14-17, 29. Awit ni David nang siya’y tumakas kay Absalom na kaniyang anak.

1 Panginoon, 2 Sam. 15:12.ano’t ang aking mga kaaway ay nagsisidami!

Marami sila na nagsisibangon laban sa akin.

2 Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa:

2 Sam. 16:8;Awit 71:11.Walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah)

3 Nguni’t ikaw, Oh Panginoon Gen. 15:1;Awit 28:7.ay isang kalasag sa palibot ko:

Aking kaluwalhatian; at Awit 27:6.siyang tagapagtaas ng aking ulo.

4 Ako’y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon,

At sinasagot Awit 34:4.niya ako mula sa Awit 2:6.kaniyang banal na bundok. (Selah)

5 Ako’y Awit 4:8.nahiga, at natulog;

Ako’y nagising; sapagka’t inaalalayan ako ng Panginoon.

6 Awit 37:3.Ako’y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan,

Na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.

7 Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios:

Sapagka’t iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway;

Iyong binungal ang mga ngipin ng masasama.

8 Pagliligtas ay ukol Awit 37:39.sa Panginoon:

Sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-