Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Awit 32:3-5,8

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

3 Nang ako’y tumahimik, ay nanglumo ang Awit 102:3.aking mga buto

Dahil sa aking pagangal buong araw.

4 Sapagka’t araw at gabi ay 1 Sam. 5:6,11;Awit 38:2.mabigat sa akin ang iyong kamay:

Ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah)

5 Aking kinilala ang Awit 51:3.aking kasalanan sa iyo,

At ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli:

Aking sinabi, Kaw. 28:13;Luc. 15:18,21;1 Juan 1:9.Aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon;

At iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.

8 Awit 73:24.Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran:

Papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    3 Noong hindi ko pa ipinagtatapat

    ang aking mga kasalanan,

    buong araw akoʼy nanlulumo

    at nanghihina ang aking katawan.

    4 Araw-gabi, hirap na hirap ako

    dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin.32:4 hirap na hirap ako dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin: Sa Hebreo, mabigat ang kamay mo sa akin.

    Nawalan na ako ng lakas,

    tulad ng natuyong tubig

    sa panahon ng tag-araw.

    5 Ngunit sa wakas ay ipinagtapat ko

    ang aking mga kasalanan sa inyo;

    hindi ko na ito itinago pa.

    Sinabi ko nga sa sarili ko,

    "Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa Panginoon."

    At pinatawad nʼyo ako.

    8 Sinabi ng Panginoon sa akin,

    "Ituturo ko sa iyo ang daan

    na dapat mong lakaran.

    Papayuhan kita habang binabantayan.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.