3 Noong hindi ko pa ipinagtatapat
ang aking mga kasalanan,
buong araw akoʼy nanlulumo
at nanghihina ang aking katawan.
4 Araw-gabi, hirap na hirap ako
dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin.32:4 hirap na hirap ako dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin: Sa Hebreo, mabigat ang kamay mo sa akin.
Nawalan na ako ng lakas,
tulad ng natuyong tubig
sa panahon ng tag-araw.
5 Ngunit sa wakas ay ipinagtapat ko
ang aking mga kasalanan sa inyo;
hindi ko na ito itinago pa.
Sinabi ko nga sa sarili ko,
"Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa Panginoon."
At pinatawad nʼyo ako.
8 Sinabi ng Panginoon sa akin,
"Ituturo ko sa iyo ang daan
na dapat mong lakaran.
Papayuhan kita habang binabantayan.