Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Awit 51:1-4,10,17

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David: nang si Nathan na propeta, ay dumating sa kaniya, pagkatapos na siya’y makapasok kay Bath-seba.

1 Awit 25:7.Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob:

Ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan tal.9;Is. 43:25;Gawa 3:19.ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang.

2 Apoc. 1:5.Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan,

At linisin mo ako sa aking kasalanan.

3 Sapagka’t Awit 32:5.kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang:

At ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.

4 2 Sam. 12:13.Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala,

At nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin:

Rom. 3:4.Upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka,

At maging malinis pag humahatol ka.

10 Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios;

At Panag. 5:21.magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.

17 Awit 34:18.Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob:

Isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    1 O Diyos, ako poʼy inyong kaawaan

    sang-ayon sa inyong tapat

    na pagmamahal;

    Ang mga pagsuway koʼy

    inyo pong pawiin

    sang-ayon sa inyong

    pagmamalasakit sa akin.

    2 Hugasan nʼyo po ako

    sa aking kasamaan,

    at linisin nang lubos

    sa aking kasalanan.

    3 Mga pagsuway koʼy

    tunay kong nalalaman,

    pagkakasala koʼy

    laging laman ng isipan.

    4 Tanging sa inyo lamang ako

    tunay na nagkasala.

    Di kalugod-lugod sa inyong harapan

    ang aking ginawa.

    Kaya ang inyong paghuhusga

    sa akin ay makatarungan.

    Nararapat lamang

    na akoʼy inyong hatulan.

    10 Isang busilak na puso, O Diyos,

    ang likhain nʼyo sa akin;

    bagong espiritung matapat,

    ang ibigay sa akin.

    17 Ang handog ko sa inyo, O Diyos,

    ay isang pusong nagpapakumbaba,

    at nagsisisi sa kanyang kasalanan.

    O Diyos, ito ang handog

    na hindi ninyo tatanggihan.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.