1 O Diyos, ako poʼy inyong kaawaan
sang-ayon sa inyong tapat
na pagmamahal;
Ang mga pagsuway koʼy
inyo pong pawiin
sang-ayon sa inyong
pagmamalasakit sa akin.
2 Hugasan nʼyo po ako
sa aking kasamaan,
at linisin nang lubos
sa aking kasalanan.
3 Mga pagsuway koʼy
tunay kong nalalaman,
pagkakasala koʼy
laging laman ng isipan.
4 Tanging sa inyo lamang ako
tunay na nagkasala.
Di kalugod-lugod sa inyong harapan
ang aking ginawa.
Kaya ang inyong paghuhusga
sa akin ay makatarungan.
Nararapat lamang
na akoʼy inyong hatulan.
10 Isang busilak na puso, O Diyos,
ang likhain nʼyo sa akin;
bagong espiritung matapat,
ang ibigay sa akin.
17 Ang handog ko sa inyo, O Diyos,
ay isang pusong nagpapakumbaba,
at nagsisisi sa kanyang kasalanan.
O Diyos, ito ang handog
na hindi ninyo tatanggihan.