Publicidade

Salmos 52

Sa Pangulong Manunugtog. Masquil ni David; nang dumating at magsaysay kay Saul si #1 Sam. 22:9. Doeg na Idomeo, at magsabi sa kaniya, Si David ay naparoon sa bahay ni Ahimelech.

1 Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh 1 Sam. 21:4.makapangyarihang tao?

Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi.

2 Awit 50:19.Ang dila mo’y kumakatha ng totoong masama;

Gaya ng matalas na Awit 57:4.pangahit, na gumagawang may karayaan.

3 Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan;

Jer. 9:4-5.At ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran. (Selah)

4 Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita,

Oh ikaw na magdarayang dila.

5 Ilulugmok ka ring gayon ng Dios magpakailan man,

Itataas ka niya, at ilalabas ka sa iyong tolda,

At Kaw. 2:22.bubunutin ka niya sa Mik. 3:3.lupain ng may buhay. (Selah)

6 Job 22:19;Awit 37:34;64:8,9.Makikita naman ng matuwid, at matatakot,

Job 22:19;Awit 58:10.At tatawa sa kaniya, na magsasabi,

7 Narito, ito ang tao na hindi ginawang kaniyang katibayan, ang Dios;

Kundi Awit 49:6.tumiwala sa kasaganaan ng kaniyang mga kayamanan,

At nagpakalakas sa kaniyang kasamaan.

8 Nguni’t tungkol sa akin, Awit 92:12,13;Jer. 11:16;Os. 14:6.ay gaya ako ng sariwang punong kahoy ng olibo sa bahay ng Dios:

Tumitiwala ako sa kagandahangloob ng Dios magpakailan-kailan man.

9 Ako’y magpapasalamat sa iyo magpakailan man, sapagka’t iyong ginawa:

At ako’y maghihintay sa iyong pangalan Awit 54:6.sapagka’t mabuti, sa harapan ng Awit 50:5.iyong mga banal.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-