1 Sa Awit 33:20.Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa:
Sa kaniya galing ang aking kaligtasan.
2 Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan:
Siya ang Awit 37:24.aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.
3 Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao.
Upang patayin siya ninyong lahat,
Is. 30:13.Na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
4 Sila’y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan;
Sila’y natutuwa sa mga kasinungalingan:
Sila’y nagsisibasbas ng kanilang bibig, Awit 28:3.nguni’t nanganunumpa sa loob. (Selah)
5 Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang;
Sapagka’t ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
6 Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan:
Siya’y aking matayog na moog; tal.2.hindi ako makikilos.
7 Jer. 3:23.Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian;
Ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko’y nasa Dios.
8 Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan;
1 Sam. 1:15;Awit 42:4;Panag. 2:19.Buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya;
Dios ay kanlungan sa atin. (Selah)
9 Awit 39:5;Rom. 3:4.Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan:
Sa mga timbangan ay sasampa sila;
Silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan.
10 Huwag kang tumiwala sa kapighatian,
At huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw:
Job 31:25;Awit 52:7;Luc. 12:15;1 Tim. 6:17.Kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso.
11 Ang Dios ay nagsalitang Job 33:14.minsan,
Makalawang aking narinig ito;
Apoc. 19:1.Na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios:
12 Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang Awit 26:16.kagandahang-loob:
Sapagka’t Job 34:11;Jer. 30:19;Mat. 16:27;Rom. 2:6;Ef. 6:8;Col. 3:25;1 Ped. 1:17;Apoc. 22:12.ikaw ay nagbabayad sa bawa’t tao ayon sa kaniyang gawa.