Publicidade

Salmos 70

Sa Pangulong Manunugtog. #1 Cron. 16:4; Awit 38 titik. Awit ni David; upang umalaala.

1 Hanggang tal.5;Awit 40:13-17.Magmadali ka, Oh Dios, na iligtas mo ako;

Magmadali ka na tulungan mo ako, Oh Panginoon.

2 Mangapahiya at mangalito sila,

Na nagsisiusig ng aking kaluluwa:

Mangapatalikod sila at mangadala sa kasiraang puri.

Silang nangaliligaya sa aking kapahamakan.

3 Awit 6:10.Mangapatalikod sila dahil sa kanilang kahihiyan.

Silang nangagsasabi, Aha, Aha.

4 Mangagalak at mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo;

At magsabing lagi yaong umiibig ng iyong kaligtasan:

Dakilain ang Dios.

5 Nguni’t ako’y dukha at mapagkailangan;

Awit 141:1.Magmadali ka sa akin, Oh Dios:

Ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas;

Oh Panginoon, huwag kang magluwat.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-