1 Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon,
Pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay.
2 Dinggin mo ang tinig ng aking daing, Awit 84:3.Hari ko, at Dios ko;
Sapagka’t Awit 65:2.sa Iyo’y dumadalangin ako.
3 Oh Panginoon, Awit 88:13.sa kinaumagaha’y didinggin mo ang aking tinig;
Sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.
4 Sapagka’t ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan:
Ang masama ay hindi tatahang kasama mo.
5 Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin:
Iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan.
6 Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga Awit 4:2;Apoc. 21:8.kabulaanan:
Awit 55:23.Kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya,
7 Nguni’t sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay;
1 Hari 8:29,30;Awit 137:7.Sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.
8 Awit 25:5.Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway;
Patagin mo ang iyong daan sa harapan ko.
9 Sapagka’t walang pagtatapat sa kanilang bibig;
Ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan;
Ang kanilang lalamunan ay bukas na Rom. 3:13.libingan;
Sila’y nanganunuya ng kanilang dila.
10 Bigyan mong sala sila, Oh Dios;
Ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo:
Palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang;
Sapagka’t sila’y nanganghimagsik laban sa iyo,
11 Nguni’t iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo,
Pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka’t iyong ipinagsasanggalang sila:
Mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.
12 Sapagka’t iyong pagpapalain ang matuwid;
Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap Awit 35:2.na gaya ng isang kalasag.