15 Ang buhay ng tao
ay tulad ng damo.
Tulad ng bulaklak sa parang,
itoʼy lumalago.
16 At kapag umiihip ang hangin,
itoʼy nawawala at hindi na nakikita.
17 Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon
ay walang hanggan
sa sinumang may takot sa kanya;
ang matuwid niyang gawa
ay wala ring katapusan.
18 Ang magkakamit nitoʼy ang tapat
sa kasunduan,
at tapat na sumusunod
sa kanyang kautusan.