Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 103:19-22

OASD Ang Salita ng Diyos

19 Itinatag ng Panginoon

ang kanyang trono

sa kalangitan,

at siyaʼy naghahari sa lahat.

20 Purihin ninyo ang Panginoon,

kayong mga anghel niya,

na nakikinig at sumusunod

sa kanyang mga salita.

21 Purihin ninyo ang Panginoon,

kayong lahat na mga nilalang niya

sa langit, na naglilingkod sa kanya

at sumusunod

sa kanyang kalooban.

22 Purihin ninyo ang Panginoon,

kayong lahat na mga nilalang niya

sa lahat ng dako

na kanyang pinaghaharian.

Purihin ang Panginoon!

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    19 Itinatag ng Panginoon ang Awit 11:6.kaniyang luklukan sa mga langit;

    At ang Dan. 4:25,34,35.kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat.

    20 Awit 148:2.Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya:

    Ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita,

    Na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.

    21 Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya;

    Awit 104:4;Dan. 7:9,10.Ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan.

    22 Awit 145:19.Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya,

    Sa lahat na dako na kaniyang sakop;

    tal. 1, 2.Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.