Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 104

1 Pupurihin ko ang Panginoon!

Panginoon kong Diyos,

kayo ay dakila sa lahat.

Nadadamitan kayo ng kadakilaan

at karangalan.

2 Nababalutan kayo ng liwanag

na parang inyong damit.

At inilaladlad nʼyo na parang

tolda ang langit.

3 Itinayo nʼyo ang inyong tahanan

sa itaas pa ng kalawakan.

Ginawa nʼyo ang mga alapaap

na inyong sasakyan,

at inililipad ng hangin habang

kayoʼy nakasakay.

4 Ginagawa nʼyong tagapaghatid ng balita ang hangin,

at ang kidlat na inyong utusan.

5 Inilagay nʼyo ang mundo sa matibay na pundasyon,

kaya hindi ito matitinag magpakailanman.

6 Ang tubig ay ginawa nʼyong parang tela na ipinambalot sa mundo,

at umapaw hanggang sa kabundukan.

7 Sa inyong pagsaway na parang kulog,

nahawi ang tubig;

sa inyong utos, ito ay tumalima;

8 at itoʼy umagos sa mga kabundukan

at mga kapatagan,

hanggang sa mga lugar na inyong inilaan

na dapat nitong kalagyan.

9 Nilagyan nʼyo ito ng hangganan,

upang hindi umapaw ang tubig,

upang hindi na muling matabunan ang mundo.

10 Lumikha ka ng mga bukal

sa mga lambak,

at umagos ang tubig sa pagitan

ng mga bundok.

11 Kaya lahat ng mga hayop sa gubat,

pati mga asnong-gubat ay may tubig na maiinom.

12 At malapit sa tubig, may mga pugad ang mga ibon,

at sa mga sanga ng punongkahoy silaʼy nagsisiawit.

13 Mula sa langit na inyong luklukan,

ang mga bundok ay inyong pinapaulanan.

At dahil sa inyong ginawa,

tumatanggap ang mundo ng pagpapala.

14 Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop,

at mga tanim para sa mga tao

upang silaʼy may maani at makain,

15 may alak na maiinom

na magpapasaya sa kanila,

may langis na pampakinis ng mukha,

at may tinapay

na makapagpapalakas sa kanila.

16 Nadidiligang mabuti ang inyong mga punongkahoy,

Panginoon;

ang puno ng sedro sa

na kayo rin ang nagtanim.

17 Doon nagpupugad ang mga ibon,

at ang mga tagak ay tumatahan

sa mga puno ng abeto.

18 Ang mga matataas na kabundukan

ay tirahan ng mga kambing-gubat.

Ang mga mababatong lugar naman

ay kanlungan ng mga badyer.

19 Nilikha nʼyo ang buwan bilang tanda ng panahon;

at ang araw namaʼy lumulubog

sa oras na inyong itinakda.

20 Nilikha nʼyo ang kadiliman

na tinawag na gabi;

at kung gabiʼy gumagala

ang maraming hayop sa kagubatan.

21 Umaatungal ang mga leon

habang naghahanap ng kanilang makakain

na sa inyo nagmumula.

22 At pagsapit ng umaga,

bumabalik sila sa kanilang mga lungga,

at doon nagpapahinga.

23 Ang mga tao naman

ay lumalabas papunta sa kanilang gawain,

at nagtatrabaho hanggang takip-silim.

24 Kay dami ng inyong mga ginawa, Panginoon.

Nilikha nʼyo ang lahat ayon

sa inyong karunungan.

Ang buong mundo

ay puno ng inyong nilikha.

25 Ang dagat ay napakalawak,

at hindi mabilang

ang inyong mga nilalang dito,

may malalaki at maliliit.

26 Ang mga barko ay parooʼt parito sa karagatan,

at doon din lumalangoy-langoy

ang nilikha nʼyong Leviatan.

27 Lahat ng inyong nilikha ay umaasa sa inyo

ng kanilang pagkain,

sa oras na kanilang kailanganin.

28 Binibigyan nʼyo sila ng pagkain

at kinakain nila ito,

at silaʼy nabubusog.

29 Ngunit kung pababayaan nʼyo sila,

matatakot sila;

at kapag binawi nʼyo ang kanilang buhay,

silaʼy mamamatay at babalik sa lupa.

30 Nalilikha sila

kapag binigyan mo ng hininga,

at sa ganoong paraan, binibigyan nʼyo

ng bagong nilalang ang mundo.

31 Panginoon, sana ay magpatuloy

ang inyong kaluwalhatian magpakailanman.

Sanaʼy magalak kayo sa lahat

ng inyong nilikha.

32 Nayayanig ang mundo

kapag inyong tinitingnan.

Kapag hinipo nʼyo ang bundok,

itoʼy umuusok.

33 Aawit ako sa Panginoon

habang akoʼy nabubuhay.

Aawit ako ng papuri sa aking Diyos

habang akoʼy may hininga.

34 Sanaʼy matuwa siya sa aking pagbubulay-bulay.

Akoʼy magagalak sa Panginoon.

35 Lipulin sana ang masasama,

at ang mga makasalanan sa mundo

ay tuluyan nang mawala.

Pupurihin ko ang Panginoon.

Purihin ang Panginoon!

Lugar Bíblico
Região / Território
Líbano
Hoje: Jezzine
לְבָנוֹןlevanon
O Líbano é uma terra de montanhas e cedros, de onde se cortava madeira com a ajuda dos sidônios e onde Salomão construiu o que quis, além de Jerusalém e do resto de seu domínio (1 Reis 9:19).
33,54° N, 35,58° L
Citado em 57 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.