12 Nooʼy iilan pa lang
ang mga mamamayan ng Diyos,
at mga dayuhan pa lang sila
sa lupain ng Canaan.
13 Nagpalipat-lipat sila sa mga bansa
at mga kaharian.
14 Ngunit hindi pinahintulutan ng Diyos
na apihin sila.
Bilang proteksyon sa kanila
ay sinaway niya ang mga hari.
15 Sinabi niya,
"Huwag ninyong galawin ang hinirang
kong mga lingkod,
huwag ninyong saktan
ang aking mga propeta."