Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 11:4-7

OASD Ang Salita ng Diyos

4 Ang Panginoon ay nasa kanyang Templo;

at nasa langit ang kanyang trono.

Tinitingnan niya at sinisiyasat

ang lahat ng tao.

5 Sinisiyasat niya ang matutuwid

at masasamâ.

Ngunit siyaʼy napopoot sa mga malulupit.

6 Pauulanan niya ng lumalagablab

na baga at asupre ang masasamâ;

at ipapadala niya ang mainit na hangin

na papaso sa kanila.

7 Dahil ang Panginoon ay matuwid

at siyaʼy nalulugod sa mga gawang mabuti.

Kaya ang mga namumuhay nang tama

ay makakalapit sa kanya.11:7 makakalapit sa kanya: Sa literal, makakakita sa mukha niya.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    4 Hab. 2:20.Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo,

    Ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit;

    Ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao.

    5 Gen. 22:1;Sant. 1:12.Sinusubok ng Panginoon ang matuwid;

    Nguni’t ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa.

    6 Gen. 19:24.Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo;

    Apoy at azufre at nagaalab na hangin ay Awit 75:8.magiging bahagi ng kanilang saro.

    7 Sapagka’t ang Panginoon ay matuwid; Awit 45:7.minamahal niya ang katuwiran:

    Job 36:7;1 Ped. 3:12.Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.