Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 116

1 Mahal ko ang Panginoon,

dahil dinidinig niya ang paghingi ko

ng tulong sa kanya.

2 Dahil pinakikinggan niya ako,

patuloy akong tatawag sa kanya habang akoʼy nabubuhay.

3 Natakot ako dahil nararamdaman kong

malapit na akong mamatay.

Ang kamatayan ay parang tali

na pumupulupot sa akin.

Nag-aalala ako at naguguluhan,

4 kaya tumawag ako sa Panginoon,

"Panginoon, iligtas nʼyo po ako."

5 Ang Panginoon nating Diyos

ay mabuti, matuwid at mahabagin.

6 Iniingatan ng Panginoon

ang mga kulang sa kaalaman.

Nang wala na akong magawa,

akoʼy iniligtas niya.

7 Magpapakatatag ako,

dahil ang Panginoon

ay mabuti sa akin.

8 Sapagkat iniligtas niya ako sa kamatayan,

sa kalungkutan at kapahamakan.

9 Kaya mamumuhay ako na malapit sa Panginoon dito sa mundo ng mga buháy.

10 Kahit na sinabi kong,

"Sukdulan na ang paghihirap ko,"

nagtitiwala pa rin ako sa kanya.

11 Sa aking pagkabalisa ay nasabi kong,

"Wala ni isang taong mapagkatiwalaan."

12 Ano kaya ang maigaganti ko sa Panginoon

sa lahat ng kabutihan niya sa akin?

13 Sasambahin ko ang Panginoon,

at maghahandog ako sa kanya ng pasasalamat

sa kanyang pagliligtas sa akin.

14 Tutuparin ko ang aking

mga pangako sa Panginoon

sa harap ng kanyang mga mamamayan.

15 Nasasaktan ang Panginoon

kung mamatay ang kanyang

mga tapat na mga mamamayan.116:15 Nasasaktan … mamamayan: O Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang tapat na mga mamamayan.

16 Panginoon, ako nga ay inyong lingkod.116:16 ako nga … lingkod: O ako nga ay inyong lingkod tulad ng aking ina na inyo ring lingkod.

Iniligtas nʼyo ako sa pagkabihag.

17 Sasamba ako sa inyo

at mag-aalay ng handog bilang pasasalamat.

18 Tutuparin ko ang aking mga pangako

sa inyo Panginoon

sa harap ng inyong mga mamamayan,

19 doon sa inyong templo sa .

Purihin ang Panginoon!

Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
יְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaimἹερουσαλήμHierousalēm
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.