97 Labis kong iniibig ang inyong kautusan.
Palagi ko itong pinagbubulay-bulayan.
98 Ang inyong mga utos ay nasa puso ko,
kaya akoʼy mas marunong
kaysa sa mga kaaway ko.
99 Mas marami ang aking naunawaan
kaysa sa aking mga guro,
sapagkat lagi kong pinagbubulay-bulayan
ang inyong mga katuruan.
100 Higit pa ang aking pang-unawa
kaysa sa matatanda,
sapagkat sumusunod ako sa mga tuntunin ninyo.