Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 127:1-5

OASD Ang Salita ng Diyos

1 Kung wala ang tulong ng Panginoon

sa pagtayo ng bahay,

walang kabuluhan ang pagtatayo nito.

Kung wala ang pag-iingat ng Panginoon sa bayan,

walang kabuluhan ang pagbabantay dito.

2 Walang kabuluhan ang paggising nang maaga

at pagtulog nang gabing-gabi na sa pagtatrabaho upang may makain,

dahil ang Panginoon ang nagbibigay ng mga pangangailangan ng kanyang mga minamahal,

kahit silaʼy natutulog.

3 Ang mga anak ay pagpapala

at gantimpalang mula sa Panginoon.

4 Ang anak na isinilang sa panahon ng kabataan ng kanyang ama

ay parang pana sa kamay ng sundalo.

5 Mapalad ang taong may maraming anak,

dahil may tutulong sa kanya

kapag humarap siya sa kanyang mga kaaway sa hukuman.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    1 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay,

    Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo:

    Awit 121:4.Malibang ingatan ng Panginoon ang bayan,

    Walang kabuluhang gumigising ang bantay.

    2 Walang kabuluhan sa inyo na kayo’y magsibangong maaga,

    At magpahingang tanghali,

    Gen. 3:17,19.At magsikain ng tinapay ng kapagalan:

    Sapagka’t binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.

    3 Gen. 33:5;Jos. 24:3,4.Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon:

    At ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.

    4 Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake,

    Gayon ang mga anak ng kabataan.

    5 Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon:

    Sila’y hindi mapapahiya,

    Pagka sila’y Awit 18:47.nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa Deut. 21:19.pintuang-bayan.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.