Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 128:1-6

OASD Ang Salita ng Diyos

1 Mapalad kayong may takot sa Panginoon,

na namumuhay ayon sa kanyang pamamaraan.

2 Ang inyong pinaghirapan

ay magiging sapat sa inyong pangangailangan,

at kayoʼy magiging maunlad at maligaya.

3 Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasan

sa inyong tahanan, na sagana sa bunga,

at ang inyong mga anak na nakapaligid

sa inyong hapag-kainan

ay parang mga bagong tanim na olibo.

4 Ganito pagpapalain ang sinumang

may takot sa Panginoon.

5 Pagpalain sana kayo ng Panginoon

mula sa Zion.

Makita sana ninyong umuunlad ang Jerusalem

habang kayoʼy nabubuhay.

6 Makita sana ninyo ang inyong mga apo.

Mapasaiyo nawa Israel ang kapayapaan!

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    1 Mapalad ang Awit 112:1;115:13.bawa’t isa na natatakot sa Panginoon,

    Na lumalakad sa kaniyang mga daan.

    2 Is. 3:10.Sapagka’t iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay:

    Magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.

    3 Ang asawa mo’y magiging Ezek. 19:10.parang mabungang puno ng ubas,

    Sa mga pinaka-loob ng iyong bahay:

    Ang mga anak mo’y Awit 144:12.parang mga puno ng olibo, Sa palibot ng iyong dulang.

    4 Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao,

    Na natatakot sa Panginoon.

    5 Awit 134:3.Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion:

    At iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.

    6 Oo, iyong Job 42:16;Kaw. 17:6.makikita ang mga Awit 125:5.anak ng iyong mga anak.

    Kapayapaan nawa’y suma Israel.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.