Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 139:13-18

OASD Ang Salita ng Diyos

13 Kilala ninyo ako, dahil kayo

ang lumalang sa akin.

Kayo ang humubog sa akin

sa sinapupunan ng aking ina.

14 Pinupuri ko kayo

sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.

Alam na alam kong ang inyong mga gawa

ay tunay na kahanga-hanga.

15 Nakita ninyo ang aking mga buto

nang akoʼy lihim na hubugin

sa sinapupunan ng aking ina139:15 sa sinapupunan ng aking ina: Sa literal, sa kailaliman ng mundo..

16 Nakita na ninyo ako,

hindi pa man ako isinisilang.

Ang itinakdang mga araw

na akoʼy mabubuhay

ay nakasulat na sa aklat ninyo

bago pa man ito mangyari.

17 O Diyos, hindi ko lubos maunawaan

ang mga iniisip ninyo;

itoʼy sadyang napakarami.

18 Kung itoʼy aking bibilangin,

mas marami pa kaysa sa buhangin.

Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    13 Kaw. 8:22.Sapagka’t iyong inanyo ang aking mga lamang loob:

    Job 10:11.Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina.

    14 Ako’y magpapasalamat sa iyo; sapagka’t nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:

    Kagilagilalas ang iyong mga gawa;

    At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.

    15 Ang katawan ko’y Job 10:8,9;Ec. 11:5.hindi nakubli sa iyo,

    Nang ako’y gawin sa lihim,

    At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.

    16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal,

    At sa iyong aklat ay pawang nangasulat,

    Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin,

    Nang wala pang anoman sa kanila,

    17 Awit 40:5.Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios!

    Pagka dakila ng kabuoan nila!

    18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin:

    Pagka ako’y nagigising ay laging nasa iyo ako.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.