7 Paano ba ako makakaiwas
sa inyong Espiritu?139:7 Espiritu: O kapangyarihan.
Saan ba ako makakapunta na wala kayo?
8 Kung pupunta ako sa langit
ay naroon kayo;
kung pupunta ako sa lugar
ng mga patay,
naroon din kayo.
9 At kung pumunta man ako sa silangan
o tumira sa pinakamalayong lugar
sa kanluran,
10 kayo ay naroon din
upang akoʼy patnubayan at tulungan.