Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 142

Isang maskil ni David noong siya ay nagtatago sa kuweba. Isa itong panalangin.

1 Tumawag ako nang malakas sa inyo, Panginoon.

Nananalangin ako na kaawaan nʼyo ako.

2 Sinasabi ko sa inyo ang aking mga hinaing at mga suliranin.

3 Kapag akoʼy nawawalan na ng pag-asa,

kayo ay nariyan na nagbabantay

kung ano ang nangyayari sa akin.

Ang aking mga kaaway ay naglagay

ng bitag sa aking dinadaanan.

4 Tingnan nʼyo ang aking paligid,

walang sinumang tumutulong sa akin.

Walang sinumang nangangalaga at nagmamalasakit sa akin.

5 Kaya tumawag ako sa inyo, Panginoon.

Sinabi ko, "Kayo ang aking kanlungan,

kayo lang ang kailangan ko rito sa mundo."

6 Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong,

dahil wala na akong magawa.

Iligtas nʼyo ako sa mga umuusig sa akin,

dahil silaʼy mas malakas sa akin.

7 Palayain nʼyo ako sa bilangguang ito,

upang akoʼy makapagpuri sa inyo.

At ang mga matuwid ay magtitipon sa paligid ko,

dahil sa kabutihan nʼyo sa akin, Panginoon.

Veja também