8 Bawat umaga, ipaalala nʼyo sa akin
ang inyong pag-ibig,
dahil sa inyo ako nagtitiwala.
Ipakita nʼyo sa akin ang tamang daan
na dapat kong daanan,
dahil sa inyo ko ipinagkakatiwala ang aking buhay.
10 Turuan nʼyo akong sundin ang inyong kalooban,
dahil kayo ang aking Diyos.
Patnubayan sana ako ng inyong butihing Espiritu
sa landas na walang kapahamakan.
11 Iligtas nʼyo ako, Panginoon, para kayo ay maparangalan.
Dahil kayo ay matuwid, iligtas nʼyo ako sa kaguluhan.