7 Ang kautusan ng Panginoon
ay walang kamalian.
Itoʼy nagbibigay sa atin
ng bagong kalakasan.
Ang mga turo ng Panginoon
ay mapagkakatiwalaan,
at nagbibigay karunungan
sa mga kulang sa kaalaman.
8 Ang mga tuntunin ng Panginoon ay tama
at sa pusoʼy nagbibigay kagalakan.
Ang mga utos ng Panginoon ay malinaw
at nagbibigay-liwanag sa kaisipan.