Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 21

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1 Panginoon, nagagalak ang hari sa kalakasan

na inyong ibinibigay

Labis siyang nasisiyahan sa bigay

ninyong tagumpay.

2 Ibinigay nʼyo sa kanya

ang kanyang hinahangad;

hindi nʼyo ipinagkait

ang kanyang kahilingan.

3 Tinanggap nʼyo siya,

at pinagkalooban ng masaganang pagpapala.

Pinutungan nʼyo ang ulo niya

ng koronang yari sa purong ginto.

4 Hiniling niya sa inyo na dagdagan

ang buhay niya,

at binigyan nʼyo siya ng mahabang buhay

na magpakailanman.

5 Dahil sa pagbibigay nʼyo

ng tagumpay sa kanya,

naging tanyag siya at makapangyarihan.

6 Sapagkat nagtitiwala siya sa inyo, Panginoon,

pinagpala nʼyo siya ng mga pagpapalang

walang katapusan,

at pinasaya nʼyo siya sa inyong piling.

7 At dahil minamahal nʼyo siya nang tapat,

Kataas-taasang Diyos,

hindi siya mabubuwal.

8 Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,

matatalo nʼyo ang lahat nʼyong mga kaaway.

9 At kapag kayo ay dumating,

Panginoon,

lilipulin nʼyo sila.

Dahil sa galit nʼyo, siyaʼy tutupukin

na parang dayami

sa naglalagablab na apoy.

10 Uubusin nʼyo ang lahat ng mga anak nila

sa buong kalupaan,

upang wala nang magpatuloy

ng kanilang lahi.

11 Nagbabalak sila ng masama

laban sa inyo,

ngunit hindi sila magtatagumpay.

12 Tatakas sila kapag nakita nilang nakatutok na

sa kanila ang inyong pana.

13 Panginoon, pinupuri namin kayo

dahil sa inyong kalakasan.

Aawit kami ng mga papuri

dahil sa inyong kapangyarihan.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.