Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 25

Awit na isinulat ni David.

1 Panginoon kong Diyos, sa inyo,

akoʼy nananalangin.

2 Sa inyo, o Diyos, akoʼy nagtitiwala.

Huwag nʼyo pong hayaan na mapahiya ako

at pagtawanan ng aking mga kaaway

dahil sa aking pagkatalo.

3 Ang sinumang nagtitiwala sa inyo

ay hindi malalagay sa kahihiyan,

ngunit mapapahiya ang mga traydor.

4 Ituro nʼyo sa akin, Panginoon,

ang tamang pamumuhay,

ang tuwid na daan na dapat kong lakaran.

5 Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan,

dahil kayo ang Diyos na aking tagapagligtas.

Kayo ang lagi kong inaasahan.

6 Panginoon, alalahanin po ninyo ang inyong dakilang pag-ibig at kabutihan,

na inyong ipinakita mula pa noong una.

7 Alalahanin ninyo ako Panginoon,

ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig,

huwag ang mga kasalanan at pagsuway ko

mula pa noong aking pagkabata.

8 Mabuti at matuwid po kayo, Panginoon,

kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan

ang mga makasalanan.

9 Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba upang gumawa ng tama.

Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan.

10 Lahat ng ginagawa nʼyo

ay nagpapakita ng inyong pag-ibig

at katapatan sa mga sumusunod

sa inyong mga kautusan.

11 Panginoon, alang-alang sa inyong pangalan,

patawarin nʼyo ako sa napakarami kong kasalanan.

12 Ang sinumang may takot sa inyo, Panginoon,

ay turuan nʼyo po ng daan na dapat niyang lakaran.

13 Mabubuhay sila nang masagana,

at ang kanilang lahi ay patuloy na maninirahan

sa lupaing ipinangako ng Diyos.

14 Malapít ang Panginoonsa mga taong

may takot sa kanya,

at itinuturo niya sa kanila ang kanyang kasunduan.

15 Palagi akong umaasa sa inyo, Panginoon,

dahil kayo ang palaging nagliligtas sa akin

sa kapahamakan.

16 Lingunin nʼyo po ako at inyong kahabagan,

dahil akoʼy nag-iisa at naghihirap.

17 Lalong lumalala ang bigat sa aking kalooban.

Hanguin nʼyo po ako sa aking mga kalungkutan.

18 Tingnan nʼyo ang dinaranas kong mga kahirapan,

at patawarin nʼyo ang lahat kong kasalanan.

19 Tingnan nʼyo kung gaano karami

ang aking mga kaaway

at kung gaano katindi

ang galit nila sa akin.

20 Iligtas nʼyo ako,

at ingatan ang aking buhay!

Nanganganlong ako sa inyo;

huwag nʼyong hayaan na mapahiya ako.

21 Iligtas nawa ako ng pamumuhay ko nang matuwid

at walang kapintasan,

sapagkat sa inyo ako umaasa.

22 O Diyos, palayain nʼyo po ang Israel sa lahat ng hirap

na kanilang pinapasan.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.