Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 32

Awit na isinulat ni David. Isa itong maskil.32:0 Pamagat. maskil: Maaaring tumutukoy ito sa isang uri ng awit o tono ng awit.

1 Mapalad ang isang tao

na ang mga pagsuway

at mga kasalanan ay pinatawad

at kinalimutan na ng Panginoon.

2 Mapalad ang tao na ang kasalanan

ay hindi ibinibintang sa kanya ng Panginoon,

at walang pandaraya sa kanyang puso.

3 Noong hindi ko pa ipinagtatapat

ang aking mga kasalanan,

buong araw akoʼy nanlulumo

at nanghihina ang aking katawan.

4 Araw-gabi, hirap na hirap ako

dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin.32:4 hirap na hirap ako dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin: Sa Hebreo, mabigat ang kamay mo sa akin.

Nawalan na ako ng lakas,

tulad ng natuyong tubig

sa panahon ng tag-araw.

5 Ngunit sa wakas ay ipinagtapat ko

ang aking mga kasalanan sa inyo;

hindi ko na ito itinago pa.

Sinabi ko nga sa sarili ko,

"Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa Panginoon."

At pinatawad nʼyo ako.

6 Kaya ang lahat ng matapat

ay manalangin sana sa inyo,

habang may panahon pa.

Kung dumating man ang kapighatian

na parang baha,

hindi sila mapapahamak.

7 Kayo ang aking kublihan;

iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan,

at pinalilibutan nʼyo ako

ng mga awit ng kaligtasan.

8 Sinabi ng Panginoon sa akin,

"Ituturo ko sa iyo ang daan

na dapat mong lakaran.

Papayuhan kita habang binabantayan.

9 Huwag kang tumulad sa kabayo o mola

na walang pang-unawa,

na kailangan pang rendahan

upang mapasunod."

10 Maraming hirap ang mararanasan

ng taong masama,

ngunit mamahalin ng Panginoon

ang sa kanya ay nagtitiwala.

11 Kayong mga matuwid, magalak kayo

at magsaya sa Panginoon.

Kayong mga namumuhay ng tama,

sumigaw kayo sa galak!

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.