4 Akoʼy nanalangin sa Panginoon
at akoʼy kanyang sinagot.
Pinalaya niya ako sa lahat
ng aking takot.
6 Noong wala na akong pag-asa,
tumawag ako sa Panginoon.
Akoʼy kanyang pinakinggan
at iniligtas sa lahat ng mga dinaranas
kong kahirapan.
17 Tinutugon ng Panginoon ang panalangin
ng mga matuwid,
at inililigtas sila sa lahat ng mga suliranin.
18 Malapit ang Panginoon
sa mga may bagbag na puso,
at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.
19 Marami ang paghihirap
ng mga matutuwid,
ngunit inililigtas sila ng Panginoon
sa lahat ng ito.