Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 39

Para kay Jedutun, ang direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1 Sinabi ko sa aking sarili,

"Ang ugali koʼy aking babantayan,

ang magkasala sa pananalitaʼy

aking iiwasan.

Bubusalan ko ang aking mga labi

kapag nasa piling ng masasamang tao."

2 Kaya tumahimik ako

at walang anumang sinabi

kahit mabuti,

ngunit lalong nadagdagan ang sakit

ng aking kalooban.

3 Akoʼy tunay na nabahala,

at sa kaiisip koʼy lalo akong naguluhan,

kaya nang hindi ko na mapigilan ay sinabi ko:

4 "Panginoon, ipabatid nʼyo po sa akin

kung kailan ang aking katapusan

at kung ilan ang nalalabing mga araw;

ipaalala ninyong ang buhay ko

ay pansamantala lamang.

5 Kay ikli ng buhay na ibinigay nʼyo sa akin.

Katumbas lang ng isang saglit para sa inyo.

Itoʼy parang hangin lamang na dumadaan,

6 o kayaʼy parang anino na nawawala.

Abala siya sa mga bagay na wala namang kabuluhan.

Nagtitipon siya ng kayamanan, ngunit kapag siyaʼy namatay,

hindi na niya alam kung sino ang makikinabang.

7 At ngayon, Panginoon, ano pa ang aasahan ko?

Kayo lang ang tanging pag-asa ko.

8 Iligtas nʼyo ako sa lahat kong kasalanan,

at huwag nʼyong hayaang pagtawanan ako ng mga hangal.

9 Akoʼy mananahimik at hindi na ibubuka pa ang aking bibig,

dahil nanggaling sa inyo ang pagdurusa kong ito.

10 Huwag nʼyo na akong parusahan.

Akoʼy parang mamamatay na sa dulot nʼyong kahirapan.

11 Dinidisiplina nʼyo ang tao

kapag siya ay nagkakasala.

Katulad ng gamo-gamo,

inuubos nʼyo rin ang kanilang mga pinahahalagahan.

Tunay na ang buhay ng tao

ay pansamantala lamang.39:11 pansamantala lamang: Sa literal, parang hininga lamang.

12 "Panginoon, dinggin nʼyo ang dalangin ko.

Pakinggan nʼyo ang paghingi ko

ng tulong sa inyo.

Huwag nʼyo sanang balewalain

ang aking mga pag-iyak.

Dahil dito sa mundo akoʼy dayuhan lamang,

gaya ng aking mga ninuno,

sa mundo ay lilisan.

13 Huwag na kayong magalit sa akin,

upang akoʼy maging masaya

bago ako mamatay."

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.