Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 40

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1 Akoʼy matiyagang naghintay sa Panginoon,

at dininig niya ang aking mga daing.

2 Para akong nasa malalim

at lubhang maputik na balon.

Ako ay kanyang iniahon

at itinatayo sa malaking bato,

upang hindi mapahamak.

3 Tinuruan niya ako ng bagong awit,

ang awit ng pagpupuri sa ating Diyos.

Marami ang makakasaksi

at matatakot sa Panginoon,

at silaʼy magtitiwala sa kanya.

4 Mapalad ang taong sa Panginoon nagtitiwala,

at hindi lumalapit sa mga mapagmataas,

o sumasamba sa mga diyos-diyosan.

5 Panginoon kong Diyos,

wala kayong katulad.

Napakarami ng kahanga-hangang bagay

na inyong ginawa para sa amin,

at ang inyong mga plano para sa amin

ay marami rin.

Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.

6 Hindi kayo nalulugod

sa ibaʼt ibang klaseng handog.

Hindi kayo humihingi ng handog

na sinusunog

at handog para sa kasalanan.

Itoʼy inyong ipinaunawa sa aking isipan.

7 Kaya sinabi ko,

"Narito ako. Sa inyong Kasulatan

ay nakasulat ang tungkol sa akin.

8 O Diyos, nais kong sundin ang inyong kalooban.

Ang inyong mga kautusan

y iniingatan ko sa aking puso."

9 Sa malaking pagtitipon ng inyong mga mamamayan,

inihayag ko ang inyong pagliligtas.

At alam nʼyo, Panginoon,

na hindi ako titigil sa paghahayag nito.

10 Hindi ko sinasarili ang pagliligtas nʼyo sa akin.

Ibinabalita ko na kayo ay nagliligtas

at maaasahan.

Hindi ako tumatahimik kapag nagtitipon

ang inyong mga mamamayan.

Sinasabi ko sa kanila ang inyong pag-ibig

at katotohanan.

11 Panginoon, huwag nʼyong pigilin

ang awa nʼyo sa akin.

Ang inyong pag-ibig at katapatan

ang laging mag-iingat sa akin.

12 Hindi ko na kayang bilangin

ang napakarami kong suliranin.

Para na akong natabunan

ng marami kong kasalanan,

kaya hindi na ako makakita.

Ang bilang ng aking mga kasalanan

ay mas marami pa kaysa sa aking buhok.

Dahil dito, halos mawalan na ako ng pag-asa.

13 Panginoon, pakiusap!

Iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan.

14 Mapahiya sana at malito

ang lahat ng nagnanais na mamatay ako.

Magsitakas sana sa kahihiyan

ang lahat ng mga nagnanais

na akoʼy mapahamak.

15 Pahiyain nʼyo nang lubos

ang mga nagsasabi sa akin,

"Aha! Napasaamin ka rin!"

16 Ngunit ang mga lumalapit sa inyo

ay magalak sana at magsaya.

Ang mga naghahangad ng inyong pagliligtas

ay lagi sanang magsabi,

"Dakila ka, o Panginoon!"

17 Ako naman na dukha at nangangailangan,

alalahanin nʼyo ako, Panginoon.

Kayo ang tumutulong sa akin.

Kayo ang aking Tagapagligtas.

Aking Diyos, agad nʼyo akong tulungan.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.