1 Ang Diyos ang ating kanlungan
at kalakasan.
Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo
sa oras ng kagipitan.
2 Kaya huwag tayong matatakot
kahit lumindol man,
at gumuho ang mga bundok
at bumagsak sa karagatan.
3 Humampas man at umugong
ang mga alon na naglalakihan,
at mayanig ang kabundukan.
10 Sinasabi niya,
"Tumigil kayo46:10 Tumigil kayo: O Tumahimik kayo o Bitawan ninyo ang mga armas ninyo. at kilalanin ninyo na ako ang Diyos.
Akoʼy pararangalan sa mga bansa.
Akoʼy papupurihan sa buong mundo."