Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 49

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora.

1 Makinig kayo, lahat ng bansa,

kayong lahat na nananahan dito sa mundo!

2 Dakila ka man o aba,

mayaman ka man o dukha, makinig ka,

3 dahil magsasalita ako na puno ng karunungan,

at puno rin ng pang-unawa

ang aking kaisipan.

4 Itutuon ko ang aking pansin sa mga kawikaan,

at ipapaliwanag ko ang kahulugan nito,

habang tinutugtog ko ang alpa.

5 Bakit ako matatakot

kung may parating na panganib,

o kung akoʼy mapaligiran ng aking mga kaaway?

6 Sila ay nagtitiwala sa kanilang kayamanan

at dahil dito ay nagmamayabang.

7 Ngunit walang may kakayahang tubusin

ang kanyang sarili mula sa kamatayan,

kahit magbayad pa siya sa Diyos.

8 Dahil napakamahal ang pagtubos sa isang buhay;

hindi sapat ang anumang pambayad

9 upang ang taoʼy mabuhay magpakailanman,

at hindi na mamatay.

10 Nakikita nga ng lahat,

na kahit ang marurunong ay namamatay,

ganoon din ang mga matitigas

ang ulo at mga hangal.

At maiiwan nila sa iba ang kanilang kayamanan.

11 Ang kanilang libingan

ay magiging bahay nila magpakailanman.

Doon sila mananahan,

kahit may mga lupaing nakapangalan sa kanila.

12 Kahit tanyag ang tao, hindi siya magtatagal;

mamamatay din siya katulad ng hayop.

13 Ganito rin ang kahihinatnan ng taong nagtitiwala sa sarili,

na nasisiyahan sa sariling pananalita.

14 Silaʼy nakatakdang mamatay.

Tulad sila ng mga tupa na ginagabayan ng kamatayan patungo sa libingan.49:14 libingan: O Sheol.

(Pagsapit ng umaga, pangungunahan sila ng mga matuwid.)

Mabubulok ang kanilang bangkay sa libingan,

malayo sa dati nilang tirahan.

15 Ngunit tutubusin naman ako ng Diyos

mula sa kapangyarihan ng kamatayan.

Tiyak na ililigtas niya ako.

16 Huwag kang mangamba

kung yumayaman ang iba

at ang kanilang kayamanan

ay lalo pang nadadagdagan,

17 dahil hindi nila ito madadala kapag silaʼy namatay.

Ang kanilang kayamanan

ay hindi madadala sa libingan.

18 Sa buhay na ito, itinuturing nila na pinagpala sila ng Diyos,

at pinupuri din sila ng mga tao

dahil nagtagumpay sila.

19 Ngunit makakasama pa rin sila

ng kanilang mga ninunong namatay na,

doon sa lugar na hindi sila makakakita ng liwanag.

20 Ang taong mayaman na hindi

nakakaunawa ng katotohanan

ay mamamatay katulad ng mga hayop.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.