Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 56

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David tungkol pagdakip sa kanya ng mga Filisteo sa Gat. Inaawit ito sa tono ng awiting, "Ang Kalapati sa Terebinto na nasa Malayong Lugar."

1 O Diyos, maawa kayo sa akin

sapagkat sinasalakay ako ng aking mga kaaway.

Palagi nila akong pinahihirapan.

2 Kinukutya nila ako at laging sinasalakay.

Sa kanilang pagmamataas,

akoʼy kanilang kinakalaban.

3 Kapag akoʼy natatakot, sa inyo ako magtitiwala.

4 O Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako.

Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo.

Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!

5 Binabaluktot lagi ng aking mga kaaway

ang mga sinasabi ko.

Lagi silang nagpaplano na saktan ako.

6 Nagsasama-sama sila at nagsisipagtago,

binabantayan nila ang lahat ng kilos ko

at naghihintay ng pagkakataon

upang patayin ako.

7 Huwag nʼyo silang hayaang matakasan

ang parusa ng kanilang kasamaan.

Ibagsak ninyo ang mga bansa

sa inyong matinding galit, O Diyos.

8 Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan

at napapansin nʼyo ang aking

mga pag-iyak.

Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat?

9 Kapag tumawag ako sa inyo, O Diyos,

magsisitakas ang aking mga kaaway.

Alam ko ito dahil ikaw

ay aking kakampi.

10 Panginoong Diyos, pinupuri ko kayo

dahil sa inyong mga salita at pangako.

11 Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo.

Ano baʼng magagawa ng isang

hamak na tao sa akin? Wala!

12 Tutuparin ko, O Diyos,

ang mga pangako ko sa inyo.

Maghahandog ako ng alay

bilang pasasalamat sa inyo.

13 Dahil iniligtas nʼyo ako sa kamatayan

at hindi nʼyo ako pinabayaang madapa.

Para mamuhay akong kasama kayo, O Diyos,

sa inyong liwanag na nagbibigay-buhay.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.