Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 59

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David noong nagpadala ng tao si Saul sa bahay niya upang manmanan siya at patayin. Inaawit sa tono ng awiting, "Huwag Sirain".

1 O Diyos, iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway.

At sa mga kumakalaban sa akin, ako ay inyong ingatan.

2 Iligtas nʼyo ako sa masasama at sa mga mamamatay-tao.

3 Panginoon, tingnan nʼyo!

Inaabangan nila ako upang patayin,

kahit na wala akong nagawang kasalanan sa kanila.

4,5 Wala akong nagawang kasalanan,

ngunit handa silang salakayin ako.

Sige na po, Panginoong Diyos ng mga Hukbo,

Diyos ng Israel.

Tingnan nʼyo na ang nangyayari;

tulungan nʼyo ako!

Kumilos na kayo, at parusahan nʼyo

ang mga bansang hindi sumasampalataya sa inyo.

Huwag nʼyong kahabagan

ang mga taksil na iyon.

6 Tuwing gabi ay pabalik-balik sa lungsod ang aking mga kaaway;

para silang mga asong umaalulong

habang silaʼy naglilibot sa bayan.

7 Pakinggan nʼyo ang kanilang pananalita;

kasinsakit ng tusok ng espada.

At sinasabi pa nila,

"Wala namang nakakarinig sa atin."

8 Ngunit, pinagtatawanan nʼyo lang sila Panginoon.

Kinukutya nʼyo ang mga taong

hindi sumasampalataya sa inyo.

9 O Diyos ikaw ang aking kalakasan.

Maghihintay ako sa inyo

dahil ikaw ang aking tagapagtanggol,

10 at Diyos na nagmamahal sa akin.

Manguna ka sa akin at ipakita mo sa akin

ang pagbagsak ng aking mga kaaway.

11 Ngunit huwag nʼyo silang patayin agad

upang hindi makalimutan ng aking mga kababayan

kung paano nʼyo pinarurusahan

ang inyong mga kaaway.

O Panginoon na aming pananggalang,

iligaw nʼyo at ibagsak ang aking mga kaaway

sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

12 Silaʼy nagkakasala sa kanilang mga labi

sapagkat masasama ang kanilang sinasabi.

Mahuli sana sila sa kanilang kayabangan,

pagmumura at kasinungalingan.

13 Sa inyong galit, lipulin nʼyo sila

hanggang sa silaʼy maglaho.

Sa gayoʼy malalaman ng buong mundo

na kayo, O Diyos, ang naghahari sa Israel.

14 Tuwing gabi ay pabalik-balik

sa lungsod ang aking mga kaaway;

para silang mga asong umaalulong

habang silaʼy naglilibot sa bayan.

15 Silaʼy naglilibot para humanap ng pagkain

at umaalulong kapag hindi nabusog.

16 Ngunit ako ay aawit

tungkol sa inyong kapangyarihan.

Tuwing umaga, akoʼy aawit

nang may kagalakan

tungkol sa inyong pag-ibig.

Sapagkat kayo ang aking kanlungan

sa oras ng kagipitan.

17 O Diyos, kayo ang aking kalakasan.

Aawit ako ng mga papuri sa inyo,

dahil kayo ang aking kanlungan

at Diyos na sa akin ay nagmamahal.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.