Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 6

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng instrumentong may walong kuwerdas.

1 O Panginoon, huwag nʼyo po akong sawayin

kapag kayoʼy galit sa akin;

Huwag nʼyo po akong parusahan

kapag kayoʼy napopoot sa akin.

2 Akoʼy inyong kahabagan sa aking kahinaan,

at pagalingin ang dumaraing kong kalamnan.

3 Akoʼy labis na nababagabag.

Hanggang kailan, O Panginoon,

hanggang kailan ako magiging ganito?

4 Panginoon akoʼy inyong dinggin

at akoʼy sagipin.

Iligtas nʼyo ako sa kamatayan

alang-alang sa pag-ibig nʼyo sa akin.

5 Sapagkat ang patay

ay ʼdi ka na maaalala.

Sa mundo ng mga patay

wala nang makakapagpuri pa.

6 Akoʼy pagod na sa sobrang pagdaing.

Gabi-gabiʼy basa ng luha

ang aking higaan;

sa pag-iyak koʼy basang-basa

ang aking unan.

7 Ang paningin koʼy nanlalabo

dahil sa sobrang lungkot ko;

Ang mga mata koʼy namumugto

dahil sa mga kaaway ko.

8 Layuan nʼyo ako,

kayong gumagawa ng masama,

sapagkat dininig na ng Panginoon

ang aking pag-iyak.

9 Narinig niya ang paghingi ko ng tulong,

at sasagutin niya ang aking dalangin.

10 Mapapahiya at matatakot

ang lahat ng aking kaaway;

Bigla silang tatakas dahil sa sobrang kahihiyan.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.