Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 65

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1 O Diyos, marapat ka naming purihin sa !

Ang mga ipinangako namin sa inyo

ay aming tutuparin.

2 Sa inyo lalapit ang lahat ng tao,

dahil dinidinig nʼyo ang mga panalangin.

3 Napakarami ng aming kasalanan,

ngunit pinapatawad nʼyo pa rin ang mga ito.

4 Pinagpala ang taong pinili nʼyo

at inanyayahang manirahan

sa inyong Templo.

Lubos kaming magagalak

sa mga kabutihang nasa inyong tahanan,

ang inyong banal na Templo.

5 O Diyos na aming Tagapagligtas,

tinugon nʼyo ang aming mga dalangin

sa pamamagitan ng inyong kamangha-manghang

pagliligtas sa amin.

Kayo ang pag-asa ng tao sa lahat ng lupain

at maging ng manlalayag sa malawak na dagat.

6 Itinatag nʼyo ang mga bundok

sa pamamagitan ng inyong lakas.

Tunay ngang kayoʼy makapangyarihan.

7 Pinatatahimik nʼyo ang ingay ng mga alon,

ang hampas ng karagatan,

at ang pagkakagulo ng mga tao.

8 Dahil sa inyong mga kahanga-hangang ginawa,

namamangha sa inyo pati ang mga nakatira

sa malayong lugar.

Mula sa silangan hanggang kanluran,

ang mga tao ay napapasigaw

sa tuwa dahil sa inyo.

9 Inaalagaan nʼyo ang lupa at dinidiligan ng ulan.

Pinabubunga at pinatataba nʼyo ito.

Ang mga ilog, O Diyos, ay patuloy ninyong pinaaagos.

Binibigyan nʼyo ng ani ang mga tao.

Ganito ang itinakda ninyo.

10 Pinaulanan nʼyong mabuti ang lupang binungkal

hanggang sa itoʼy lumambot at mapuno na ng tubig.

Pagkatapos ay pinagpapala nʼyo ang mga pananim.

11 Pinag-aapaw nʼyo ang panahon ng anihan,

at saan ka man dumaan ay puno ng kasaganaan.

12 Kahit na ang ilang ay naging pastulan

dahil sagana sa mga damo at ang mga burol

ay parang mga taong puno ng kagalakan.

13 Ang mga parang ay punong-puno

ng mga kawan ng tupa at kambing

at pawang mga pananim65:13 pananim: Sa literal, butil. ang makikita

sa kapatagan.

Ang lahat ng mga lugar na ito

ay parang mga taong umaawit

at sumisigaw sa kagalakan.

Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Sião
Hoje: Jerusalém, Israel
צִיּוֹןtsiyyonΣιώνSiōn
Sião é a fortaleza que Davi conquistou e que veio a ser a Cidade de Davi; o povo do Senhor vive ali, e foi anunciado que Sião seria arada como um campo (2 Samuel 5:7).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 148 versículosTb.: Jerusalém
Ver página completa
Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.