Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 66

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1 Kayong mga tao sa buong mundo,

isigaw ninyo ang inyong papuri sa Diyos

nang may kagalakan.

2 Umawit kayo ng mga papuri para sa kanya.

Parangalan ninyo siya sa pamamagitan

ng inyong mga awit.

3 Sabihin ninyo sa kanya,

"O Diyos, kahanga-hanga ang inyong mga gawa!

Dahil sa inyong dakilang kapangyarihan,

luluhod ang inyong mga kaaway sa takot.

4 Ang lahat ng tao sa buong mundo

ay sasamba sa inyo

na may awit ng papuri."

5 Halikayoʼt tingnan ang kahanga-hanga

na ginawa ng Diyos para sa mga tao.

6 Pinatuyo niya ang dagat;

tinawid ito ng ating mga ninuno

nang naglalakad.

Tayoʼy mangagalak sa kanyang mga ginawa.

7 Makapangyarihang maghahari ang Diyos, magpakailanman.

Mga bansaʼy kanyang pinagmamasdan,

kaya ang mga sumusuway sa kanya

ay hindi dapat magmalaki.

8 Kayong mga tao, purihin ninyo ang Diyos!

Iparinig ninyo sa lahat ang inyong papuri.

9 Iningatan niya ang ating buhay

at hindi niya hinayaang tayoʼy madapa.

10 Sapagkat sinubok ninyo kami, O Diyos, upang dalisayin;

tulad namiʼy pilak na dinalisay sa apoy.

11 Hinayaan nʼyo kaming mahuli sa bitag

at pinagpasan nʼyo kami

ng mabigat na dalahin.

12 Pinabayaan nʼyo ang aming mga kaaway

na tapakan kami sa ulo;

parang dumaan kami sa apoy

at lumusong sa baha.

Ngunit dinala nʼyo kami sa lugar ng kasaganaan.

13 Mag-aalay ako sa inyong Templo ng mga handog na sinusunog66:13 handog na sinusunog: Tingnan ang kahulugan nito sa Lev. 1:3.

upang tuparin ko ang aking mga ipinangako sa inyo,

14 mga pangakong sinabi ko noong akoʼy nasa gitna ng kaguluhan.

15 Mag-aalay ako sa inyo ng matatabang hayop bilang handog na sinusunog,

katulad ng mga tupa, toro at mga kambing.

16 Halikayoʼt makinig, kayong lahat

na may takot sa Diyos.

Sasabihin ko sa inyo

ang mga ginawa niya sa akin.

17 Humingi ako sa kanya

ng tulong habang nagpupuri.

18 Kung hindi ko ipinahayag sa Panginoon

ang aking mga kasalanan,

hindi niya sana ako pakikinggan.

19 Ngunit tunay ngang pinakinggan

ako ng Diyos

at ang dalangin koʼy kanyang sinagot.

20 Purihin ang Diyos,

na hindi tumanggi sa aking panalangin,

at hindi nagkait ng kanyang tapat na pag-ibig sa akin.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.