Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 7

Ito ay isang awit na isinulat ni David tungkol kay Cush na mula sa angkan ni Benjamin. Inawit niya ito sa Panginoon.

1 Panginoon kong Diyos, nanganganlong ako sa inyo.

Iligtas nʼyo ako sa mga umuusig sa akin.

2 Baka patayin nila ako,

katulad ng pagluray ng leon

sa kanyang biktima,

kung walang magliligtas sa akin.

3 Panginoon kong Diyos,

kung totoong ginawa ko

ang kasalanang ito,

4 kung ginantihan ko nga ng masama

ang mabuting ginawa ng aking kaibigan,

o kung sinamsam ko ang mga ari-arian

ng aking mga kaaway

nang walang dahilan,

5 hayaan nʼyong akoʼy usigin

at talunin ng aking mga kaaway.

Hayaan nʼyong akoʼy tapak-tapakan

hanggang sa mamatay,

at pabayaan sa lupa ang aking bangkay.

6 O Panginoon kong Diyos,

ipakita nʼyo ang inyong galit

sa aking mga kaaway

na sobrang nagngingitngit.

Ipakita ninyo ang inyong pagiging makatarungan.

7 Tipunin nʼyo ang lahat ng bansa sa palibot nʼyo,

at pamahalaan nʼyo sila mula sa langit.

8 Kayo Panginoon ang humahatol sa lahat ng tao.

Patunayan nʼyo sa kanila

na mali ang kanilang mga paratang

laban sa akin.

Sapagkat alam nʼyo

na akoʼy matuwid,

at namumuhay nang wasto.

9 Pigilan nʼyo ang kasamaang

ginagawa ng mga tao,

at pagpalain nʼyo ang mga matuwid,

dahil kayo ay Diyos na matuwid,

at sinisiyasat nʼyo ang aming mga pusoʼt isipan.

10 Kayo, O Diyos, ang nag-iingat sa akin.

Inililigtas nʼyo ang mga namumuhay nang matuwid.

11 Kayo ang matuwid na hukom,

at sa araw-araw ay ipinapakita nʼyo

ang inyong galit sa masasamâ.

12,13 Kung ayaw nilang magsisi

sa kanilang mga kasalanan,

ikaw namaʼy nakahandang silaʼy parusahan.

Katulad nʼyo ay isang sundalo

na handa na ang mga nakamamatay na sandata.

Nahasa na niya ang kanyang espada,

at nakaumang na ang palasong nagbabaga.

14 Mapag-isip sila ng gulo at kasamaan,

kaya nakakapanloko sila ng kapwa.

15,16 Ngunit sila mismo ang mapapahamak

sa panggugulo at karahasang binabalak.

Ang katulad nila ay humuhukay ng bitag

upang mahulog ang iba,

pero sila rin ang mahuhulog

sa hinukay nila.

17 Pinasasalamatan ko kayo Panginoon,

sapagkat matuwid kayo.

Aawitan ko kayo ng mga papuri,

Kataas-taasang Panginoon.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.