Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 71

1 Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga.

Huwag nʼyong pabayaang akoʼy mapahiya.

2 Tulungan nʼyo ako at iligtas

sapagkat kayo ay matuwid.

Akoʼy inyong dinggin at sagipin.

3 Kayo sa akin ay batong kanlungan

na lagi kong malalapitan.

Ipag-utos nʼyo na iligtas ako,

dahil kayo ang aking matibay

na batong pananggalang.

4 O Diyos ko, iligtas nʼyo ako

mula sa kamay ng masasama

at malulupit na tao.

5 Kayo ang aking pag-asa,

O Makapangyarihang Panginoon.

Mula noong akoʼy bata pa,

sa inyo, ako ay nagtiwala.

6 Kayo ay aking kasama,

mula nang akoʼy isilang;

sa sinapupunan ng aking ina,

akoʼy inyong iningatan.

Akoʼy magpupuri sa inyo,

magpakailanman.

7 Naging halimbawa ang buhay ko

para sa karamihan,

dahil kayo ang aking naging kalakasan

at tagapag-ingat.

8 Maghapon ko kayong pinapupurihan

dahil sa inyong kahanga-hangang kagandahan.

9 Huwag po ninyo akong iiwan

kapag akoʼy matanda na.

Huwag po ninyo akong pababayaan

kapag akoʼy mahina na.

10 Dahil nag-uusap-usap

ang aking mga kaaway

at nagbabalak na akoʼy patayin.

11 Sinasabi nilang, "Pinabayaan

na siya ng Diyos,

kaya habulin natin siya at dakpin

sapagkat wala namang magliligtas sa kanya."

12 O Diyos ko, huwag nʼyo po akong layuan;

at akoʼy agad ninyong saklolohan.

13 Nawa silang sa akin ay nagpaparatang

ay mapahiya at mapahamak.

Ang mga nagnanais na akoʼy saktan

ang siya sanang kutyain

at malagay sa kahihiyan.

14 Ngunit ako, O Diyos ay palaging aasa

at lalo pang magpupuri sa inyo.

15 Maghapon kong sasabihin

na matuwid kayo at nagliligtas,

kahit na hindi ko lubusang maunawaan.

16 Ihahayag ko ang inyong mga kahanga-hangang gawa,

O Makapangyarihang Panginoon;

Ihahayag ko sa mga tao

na kayo ay makatarungan;

Oo, kayo lamang.

17 O Diyos, mula pagkabataʼy

itinuro nʼyo na sa akin

ang tungkol sa inyong

mga kahanga-hangang gawa

at hanggang ngayon,

inihahayag ko ito sa mga tao.

18 At ngayong akoʼy matanda na

at maputi na ang buhok,

huwag nʼyo akong pabayaan, O Diyos.

Maihayag ko sana ang inyong lakas

at kapangyarihan sa susunod na henerasyon,

at sa lahat ng mga darating sa hinaharap.

19 O Diyos, ang inyong katuwiran

ay hindi kayang maunawaan nang lubusan.

Kahanga-hanga ang inyong mga gawa.

Tunay ngang walang sinuman ang tulad ninyo.

20 Bagamaʼt pinaranas nʼyo ako

ng maraming hirap,

bibigyan nʼyo akong muli ng bagong buhay.

At mula sa aking pagkakalibing,

akoʼy muli nʼyong bubuhayin.

21 Bibigyan nʼyo ako

ng mas higit na karangalan,

at muli akong aaliwin.

22 O Diyos ko, dahil sa inyong katapatan

pupurihin ko kayo sa aking

pagtugtog ng alpa.

O Banal na Diyos ng Israel,

aawit ako ng mga papuri sa inyo sa pamamagitan ng pagtugtog ng lira.

23 Dahil akoʼy iniligtas nʼyo,

sisigaw ako sa tuwa habang tumutugtog

at umaawit ng papuri sa inyo.

24 Lagi kong ipapahayag na kayo ay matuwid

dahil nabigo at nalagay sa kahihiyan

ang mga nagnais na mapahamak ako.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.