Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 73

Awit na isinulat ni Asaf.

1 Tunay na mabuti ang Diyos sa Israel,

lalo na sa mga taong may malilinis na puso.

2 Ngunit akoʼy muntik nang bumagsak;

ang mga paa koʼy muntik nang madulas.

3 Sapagkat kinainggitan ko ang mga mayayabang,

nang nakita ko ang pag-unlad

ng mga masasama.

4 Hindi sila dumaranas ng pagdurusa;

silaʼy malulusog at masisigla.

5 Ang mga pagdurusang karaniwang

nararanasan ng tao

sa mundong ibabaw ay di nila naranasan.

Hindi sila dumaranas ng hirap,

di tulad ng kanilang kapwa.

6 Kaya ipinapakita nila ang kanilang kayabangan at kalupitan.73:6 ipinapakita … kalupitan: Sa literal, nagsusuot sila ng kuwintas ng kayabangan at damit ng kalupitan.

7 Ang kanilang puso ay puno ng kasamaan,

at ang laging iniisip ay paggawa ng masama.

8 Kinukutya nila at pinagsasabihan

ng masama ang iba.

Mayayabang sila at nagbabantang mananakit.

9 Nagsasalita sila ng masama

laban sa Diyos at sa kanilang kapwa.

10 Kaya ang mga mamamayan ng Diyos

ay lumilingon sa kanila

at pinaniniwalaan ang kanilang

mga sinasabi.

11 Sinasabi nila, "Paano malalaman ng Diyos?

Walang alam ang Kataas-taasang Diyos."

12 Ganito ang buhay ng masasamâ:

wala nang problema, yumayaman pa.

13 Bakit ganoon?

Wala bang kabuluhan

ang malinis kong pamumuhay

at paglayo sa kasalanan?

14 Nagdurusa ako buong araw.

Bawat umaga akoʼy inyong pinarurusahan.

15 Kung sasabihin ko rin ang sinabi nila,

para na rin akong nagtraydor

sa inyong mga mamamayan.

16 Kaya sinikap kong unawain

ang mga bagay na ito,

pero napakahirap.

17 Ngunit nang pumunta ako

sa inyong santuwaryo,

doon ko naunawaan ang kahihinatnan ng masama.

18 Tunay na inilalagay nʼyo sila

sa madulas na daan,

at ibinabagsak sa kapahamakan.

19 Bigla silang mapapahamak;

mamamatay silang lahat

at nakakatakot ang kanilang kahahantungan.

20 Para silang isang panaginip

na sa pagsapit ng umaga ay wala na,

O Panginoon.

Makakalimutan na sila

kapag silaʼy pinarusahan nʼyo na.

21 Nang nasaktan ang aking damdamin

at nagtanim ako ng sama ng loob,

22 para akong naging hayop

sa inyong paningin,

mangmang at hindi nakakaunawa.

23 Ngunit patuloy akong lumapit sa inyo

at akoʼy inakay nʼyo.

24 Ang inyong mga payo

ang nagsisilbing gabay ko,

at akoʼy dadalhin ninyo

sa marangal na hantungan.

25 Walang sinuman sa langit

ang kailangan ko

kundi kayo lamang.

At walang anuman sa mundo

ang hinahangad ko

maliban sa inyo.

26 Manghina man ang aking

katawan at isipan,

kayo, O Diyos, ang aking kalakasan.

Kayo lang ang kailangan ko

magpakailanman.

27 Ang mga taong lumalayo sa inyo

ay tiyak na mapapahamak.

Ang mga nagtaksil sa inyo

ay lilipuling lahat.

28 Ngunit ako, minabuti kong

maging malapit sa Diyos.

Kayo, O Makapangyarihang Panginoon,

ang pinili kong kanlungan,

upang maihayag ko ang lahat

ng inyong mga ginawa.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.