Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 78:1-8

1 Mga kababayan,78:1 Mga kababayan: O Mga mamamayan ko. ang mga turo koʼy

inyong pakinggan.

Sundin ninyo ang aking mga salita.

2 Tuturuan ko kayo sa pamamagitan ng paghahalintulad.78:2 paghahalintulad: O mga talinghaga, o kawikaan.

Sasabihin ko sa inyo ang mga lihim

na katotohanan ng nakaraan.

3 Napakinggan na natin ito at nalaman.

Sinabi ito sa atin ng ating mga ninuno.

4 Hindi natin ito ililihim sa ating mga anak;

sasabihin natin sa mga susunod na henerasyon

ang kapangyarihan ng Panginoon

at ang mga kahanga-hanga niyang gawa.

5 Ibinigay niya ang kanyang mga kautusan kay Jacob;

ginawa niya itong batas ng Israel.

Iniutos niya sa ating mga ninuno

na ituro ito sa kanilang mga anak,

6 upang itoʼy malaman din

ng susunod na henerasyon

at ituturo rin nila sa kanilang mga anak.

7 Sa ganitong paraan, magtitiwala sila sa Diyos

at hindi nila makakalimutan

ang kanyang mga ginawa,

at susundin nila ang kanyang mga utos.

8 Hindi sila magiging katulad

ng kanilang mga ninuno

na matitigas ang ulo, suwail,

hindi lubos ang pagtitiwala sa Diyos,

at hindi tapat sa kanya.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.