Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 81

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf na sinasaliwan ng instrumentong may kuwerdas81:0 instrumentong may kuwerdas Sa Hebreo, ito ay tinatawag na gittith..

1 Umawit kayo nang may galak

sa Diyos na nagbibigay sa atin

ng kalakasan.

Sumigaw kayo nang may tuwa

sa Diyos ni Jacob!

2 Umawit kayo at tugtugin

ang tamburin

kasabay ng magandang tunog

ng alpa at lira.81:2 lira: sinaunang instrumentong may kuwerdas.

3 Patunugin ninyo ang tambuli

tuwing Pista ng Bagong Buwan

na ating ipinagdiriwang

tuwing kabilugan ng buwan.

4 Dahil isa itong kautusan

para sa mga taga-Israel.

Itoʼy utos ng Diyos ni Jacob.

5 Ibinigay niya ang kautusang ito

sa lahi ni Jose

nang siyaʼy sumalakay

sa lupain ng Ehipto.

May narinig akong tinig

ngunit hindi ko kilala.

Sinabi niya,

6 "Kinuha ko ang mabigat niyang pasanin,

Pinalaya ko ang kanyang mga kamay sa dalahin.

7 Nang kayoʼy nahirapan,

tumawag kayo sa akin

at kayoʼy iniligtas ko.

Mula sa mga alapaap,

sinagot ko kayo at sinubok

doon sa bukal ng .

8 Mga Israelita, aking mamamayan,

pakinggan ninyo itong babala ko sa inyo.

Makinig kayo sa akin!

9 Wala kayong ibang magiging diyos kundi ako lang.

Huwag kayong sumamba

sa diyos-diyosan.

10 Ako ang Panginoon

na inyong Diyos.

Ako ang naglabas sa inyo

mula sa lupain ng Ehipto.

Humingi kayo sa akin

at ibibigay ko sa inyo

ang mga pangangailangan ninyo.

11 Ngunit kayong mga Israelita

na aking mga mamamayan,

hindi kayo nakinig at sumunod sa akin.

12 Kaya hinayaan ko kayo

sa katigasan ng inyong ulo81:12 ulo: O puso.

at ginawa ninyo ang inyong gusto.

13 Kung nakinig lang sana kayo sa akin

at sumunod sa aking mga pamamaraan,

14 kaagad ko sanang nilupig

at pinarusahan ang inyong mga kaaway.

15 Ang mga napopoot sa akin,

na Panginoon

ay yuyukod sa takot.

Ang kaparusahan nila

ay walang katapusan.

16 Ngunit kayo na aking mga mamamayan,

pakakainin ko kayo ng pinakamainam

na bunga ng trigo at pulot

hanggang sa mabusog kayo."

Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Meribá
Hoje: Ain el Qudeirat
מְרִיבָהmerivah
Meribá é um lugar de águas em Cades, no deserto de Zim, onde a comunidade de Israel contendeu com o Senhor e Moisés e Arão desobedeceram à ordem de santificar o Senhor diante do povo (Números 27:14).
30,65° N, 34,42° L
Citado em 9 versículosTb.: Meribá-Cades
Ver página completa
Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.