Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 86

Ang Panalangin ni David.

1 Panginoon, inyong dinggin at sagutin

ang aking panalangin

sapagkat akoʼy naghihirap

at nangangailangan.

2 Ingatan nʼyo ang buhay ko

sapagkat akoʼy tapat sa inyo.

Kayo ang aking Diyos,

iligtas nʼyo ang inyong lingkod

na nagtitiwala sa inyo.

3 Panginoon, maawa kayo sa akin

dahil buong araw akong

tumatawag sa inyo.

4 Bigyan nʼyo ng kagalakan

ang inyong lingkod, Panginoon,

dahil saʼyo ako nananalangin.

5 Tunay kayong mabuti at mapagpatawad,

O Panginoon,

puno ng pag-ibig sa lahat

ng tumatawag sa inyo.

6 Pakinggan nʼyo ang aking dalangin,

Panginoon.

Ang pagsusumamo koʼy

inyong dinggin.

7 Akoʼy tumatawag sa inyo

sa oras ng kagipitan

dahil sinasagot nʼyo ako.

8 Walang diyos na katulad nʼyo,

Panginoon;

walang sinumang makakagawa

ng mga ginawa ninyo.

9 Ang lahat ng bansa86:9 bansa: O lahi. na inyong ginawa,

ay lalapit at sasamba sa inyo,

Panginoon.

Pupurihin nila ang inyong pangalan.

10 Sapagkat makapangyarihan kayo

at ang mga gawa nʼyo

ay kahanga-hanga.

Kayo ang nag-iisang Diyos.

11 Panginoon, ituro nʼyo sa akin

ang inyong pamamaraan,

at susundin ko ito nang may katapatan.86:11 ito nang may katapatan: O ang inyong katotohanan.

Bigyan nʼyo ako ng pusong

may takot sa inyo.

12 Panginoon kong Diyos,

buong puso ko kayong pasasalamatan.

Pupurihin ko ang inyong pangalan

magpakailanman.

13 Sapagkat ang inyong pag-ibig

sa akin ay dakila.

Iniligtas nʼyo ako mula sa kamatayan.

14 O Diyos, sinasalakay ako

ng mga mayayabang

gusto akong patayin

ng mga walang awa.

Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo.

15 Ngunit kayo, Panginoon,

ay Diyos

na nagmamalasakit at mahabagin.

Wagas ang pag-ibig nʼyo,

at hindi kayo madaling magalit.

16 Bigyang-pansin nʼyo ako

at kahabagan;

bigyan nʼyo ako ng inyong kalakasan

at iligtas ako na inyong lingkod.

17 Ipakita sa akin ang tanda

ng inyong kabutihan,

upang makita ito ng aking mga kaaway

at nang silaʼy mapahiya.

Dahil kayo, Panginoon,

ang tumutulong at umaaliw sa akin.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.