Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 89

Isang maskil na isinulat ni Etan na angkan ni Ezra.

1 Panginoon, aawitin ko

ang tungkol sa inyong tapat

na pag-ibig magpakailanman.

Ihahayag ko sa lahat ng salinlahi

ang inyong katapatan.

2 Ipapahayag ko na hindi matitinag

ang inyong walang hanggang pag-ibig,

at itoʼy mananatili tulad ng kalangitan.

3 Ang sabi ninyoʼy,

"Gumawa ako ng kasunduan

sa aking lingkod na si

na aking pinili upang maging hari.

Ito ang ipinangako ko sa kanya:

4 Ang bawat hari ng Israel

ay manggagaling sa iyong lahi;

ang iyong kaharian

ay magpapatuloy magpakailanman."

5 Panginoon, maging ang mga nilalang

sa langit ay nagpupuri

dahil sa inyong katapatan

at mga kahanga-hangang gawa.

6 Walang sinuman doon sa kalawakan

ang makakapantay sa ninyo, Panginoon.

Walang sinuman sa mga naroon89:6 sa mga naroon: Sa Hebreo, sa mga anak ng Makapangyarihang Diyos.

ang katulad nʼyo, Panginoon.

7 Iginagalang kayo sa pagtitipon

ng mga banal sa langit.

Higit kayong kahanga-hanga

kaysa sa sinuman

sa mga nakapalibot sa inyo.

8 O Panginoong Diyos ng mga Hukbo,

wala kayong katulad.

Makapangyarihan kayo Panginoon

at tapat sa lahat ng inyong ginagawa.

9 Nasa ilalim ng kapangyarihan nʼyo

ang nagngangalit na dagat,

pinatatahimik ninyo

ang mga malalaking alon.

10 Dinurog nʼyo ang dragon

na si Rahab,

at namatay ito.

Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan

ay ikinalat nʼyo ang inyong mga kaaway.

11 Sa inyo ang langit at lupa;

ang mundo at ang lahat ng narito

ay inyong nilikha.

12 Nilikha nʼyo ang hilaga

at ang timog.

Ang mga bundok ng at

ay parang mga taong umaawit sa inyo

nang may kagalakan.

13 Ang lakas nʼyo ay walang kapantay;

ang inyong kanang kamay ay nakataas

at makapangyarihan!

14 Katuwiran at katarungan ang pundasyon

ng inyong paghahari

na pinangungunahan ng tapat na pag-ibig

at katotohanan.

15 Panginoon, mapalad ang mga taong

nakaranas na sumigaw sa kagalakan

dahil sa inyo.

Namumuhay sila sa liwanag

na nagmumula sa inyo.

16 Buong araw silang nagsasaya

at nagpupuri sa inyo.

Ikinagagalak nila ang inyong katuwiran.

17 Sapagkat ikaw ang kanilang karangalan

at kalakasan,

at dahil sa inyong kabutihan kami ay magtatagumpay.

18 Panginoon, Banal na Diyos ng Israel,

ikaw ang humirang sa hari

na sa amin ay nagtatanggol.

19 Noon, nagsalita kayo sa inyong

mga tapat na lingkod

sa pamamagitan ng pangitain.

Sinabi nʼyo, "May hinubog akong

isang mandirigma.

Pinili ko siya mula

sa mga karaniwang tao,

at ginawang hari.

20 Si na aking lingkod

ang pinili kong hari

sa pamamagitan ng pagpahid sa kanya

ng banal na langis.

21 Ang kapangyarihan ko ang makakasama niya,

at magpapalakas sa kanya.

22 Hindi siya malilinlang ng kanyang mga kaaway.

Hindi magtatagumpay laban sa kanya

ang masasamâ.

23 Dudurugin ko sa kanyang harapan

ang kanyang mga kaaway,

at lilipulin ang mga may galit sa kanya.

24 Mamahalin ko siya at dadamayan.

At sa pamamagitan ng aking

kapangyarihan

ay magtatagumpay siya.

25 Paghahariin ko siya mula sa Dagat

ng Mediteraneo

hanggang sa Ilog ng Eufrates.89:25 mula sa … Eufrates: O sa mga lupain at sa kabila ng mga dagat at ilog.

26 Sasabihin niya sa akin,

‘Kayo ang aking Ama,

ang aking Diyos, ang Bato na aking kanlungan

at kaligtasan.’

27 Ituturing ko siyang panganay kong anak,

ang pinakamakapangyarihan

sa lahat ng hari.

28 Ang pag-ibig ko sa kanyaʼy magpakailanman

at ang kasunduan ko sa kanyaʼy mananatili.

29 Ang bawat hari ng Israel

ay magmumula sa kanyang angkan;

ang kanyang paghahari

ay magiging matatag tulad ng kalangitan

at mananatili magpakailanman.

30 Ngunit kung ang mga anak niya

ay tumalikod sa aking kautusan

at hindi mamumuhay ayon sa aking pamamaraan,

31 at kung lalabagin nila

ang aking mga tuntunin

at kautusan,

32 parurusahan ko sila sa kanilang

mga kasalanan.

33 Ngunit mamahalin ko pa rin

at dadamayan si David.

34 Hindi ko sisirain ang aking kasunduan sa kanya,

at hindi ko babawiin ang aking ipinangako sa kanya.

35 Nangako na ako kay

ayon sa aking kabanalan

at hindi ako maaaring magsinungaling.

36 Ang bawat hari ng Israel

ay magmumula sa kanyang lahi

magpakailanman,

gaya ng araw,

37 at magpapatuloy ito magpakailanman

katulad ng buwan na itinuturing

na tapat na saksi sa kalangitan."

38 Ngunit, Panginoon, nagalit kayo

sa inyong piniling hari;

itinakwil nʼyo siya at iniwanan.

39 Binawi nʼyo ang kasunduan

sa inyong lingkod

at kinuha sa kanya ang kapangyarihan

bilang hari.

40 Winasak ninyo ang mga pader

ng kanyang lungsod

at ginuho ang mga pinagtataguan nila.

41 Kaya lahat ng dumadaan

sa kanyang kaharian ay nananamantala,

pinagsasamsam ang mga kagamitan sa lungsod.

Pinagtatawanan siya ng mga katabing bansa.

42 Pinagtagumpay nʼyo ang kanyang mga kaaway

at pinasaya silang lahat.

43 Winalang kabuluhan ninyo

ang kanyang mga sandata

at ipinatalo siya sa labanan.

44 Winakasan nʼyo ang kanyang katanyagan

pati na ang kanyang kapangyarihan

bilang hari.

45 At dahil ditoʼy, nagmukha siyang matanda

sa bata niyang edad.

Inilagay nʼyo siya sa kahihiyan.

46 Panginoon, hanggang kailan

nʼyo kami pagtataguan?

Wala na ba itong katapusan?

Hanggang kailan mag-aapoy

ang inyong galit sa amin?

47 Alalahanin nʼyo kung gaano kaiksi

ang buhay ng tao.

Alalahanin nʼyong nilikha nʼyo ang tao

na may kamatayan.

48 Sinong tao ang hindi mamamatay?

Maiiwasan ba ng tao ang kamatayan?

49 Panginoon, nasaan na ang dati ninyong pag-ibig?

Ang pag-ibig na ipinangako nʼyo kay

ayon sa inyong katapatan sa kanya?

50 Alalahanin nʼyo, Panginoon,

kung paanong hiniya ng maraming bansa

ang iyong lingkod89:50 lingkod: Maaaring ang ibig sabihin, ang mga mamamayan ng Israel. Sa ibang tekstong Hebreo, maaaring hari ng Israel. at ito ay aking tiniis.

51 Ang mga kaaway nʼyo, Panginoon,

ang siyang kumukutya

sa pinili nʼyong hari, saan man siya magpunta.

52 Purihin ang Panginoon magpakailanman!

Amen! Amen!

Pessoa
Tribo de Judá
Davi
דָוִֽדdavidΔαυιδDauid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Monte / Elevação
Monte Tabor
Hoje: Jebel et Tur
תָּבוֹרtavor
O Monte Tabor é o monte aonde Baraque subiu com dez mil homens de Naftali e Zebulom, por ordem do Senhor dada por Débora, e de onde desceu com eles no dia em que o Senhor entregou Sísera a Baraque (Juízes 4:14).
32,69° N, 35,39° L
Citado em 9 versículosTb.: Tabor
Ver página completa
Lugar Bíblico
Monte / Elevação
Monte Hermom
Hoje: Monte Hermom
חֶרְמוֹןchermon
Monte Hermom é o monte até onde ia, desde o rio Arnom, o território a leste do Jordão que Israel tomou de dois reis amorreus (Deuteronômio 3:8).
33,40° N, 35,85° L
Citado em 16 versículosTb.: Hermom
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Davi
דָוִֽדdavidΔαυιδDauid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Davi
דָוִֽדdavidΔαυιδDauid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Davi
דָוִֽדdavidΔαυιδDauid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.