Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang awit na isinulat ni David, ang lingkod ng Panginoon. Inawit niya ito noong iniligtas siya ng Panginoon sa kamay ng kanyang mga kalaban at kay Saul.
1 Minamahal ko kayo Panginoon,
kayo ang aking kalakasan.
2 Panginoon, kayo ang aking matibay
na batong kanlungan
at tagapagligtas.
Kayo, O Diyos, ang aking matibay
na batong kanlungan
na nag-iingat sa akin,
kayo ang aking pananggalang,
tanggulan at matatag na kuta.
3 Karapat-dapat kayong purihin, Panginoon,
dahil kapag tumatawag ako sa inyo,
inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.