1 Pakinggan nawa ng Panginoon ang iyong mga daing,
sa oras ng kaguluhan.
At sanaʼy ingatan ka
ng Diyos ni Jacob.
2 Sanaʼy tulungan ka niya
mula sa kanyang Templo roon sa Zion.
3 Sanaʼy tanggapin niya ang iyong mga handog,
pati na ang mga handog mong sinusunog.
4 Sanaʼy ibigay niya ang iyong kahilingan,
at ang iyong mga binabalak ay magtagumpay.