Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 33

1 Kayong mga matuwid,

sumigaw kayo sa galak,

dahil sa ginawa ng Panginoon!

Kayong namumuhay ng tama,

nararapat ninyo siyang purihin!

2 Pasalamatan ninyo ang Panginoon

sa pamamagitan ng mga alpa

at mga instrumentong may mga kuwerdas.

3 Awitan ninyo siya ng bagong awit.

Tugtugan ninyo siya nang buong husay,

at sumigaw kayo sa tuwa.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também