8 Subukan ninyo at inyong makikita,
kung gaano kabuti ang Panginoon.
Napakapalad ng taong naghahanap ng kaligtasan34:8 naghahanap ng kaligtasan: Sa Hebreo: nanganganlong. sa kanya!
9 Kayong mga hinirang ng Panginoon,
matakot kayo sa kanya,
dahil ang may takot sa kanya
ay hindi kukulangin sa lahat
ng pangangailangan.
10 Kahit mga leon ay kukulangin
sa pagkain at magugutom,
ngunit hindi kukulangin
ng mabubuting bagay
ang mga nagtitiwala sa Panginoon.
11 Lumapit kayo, kayong gustong matuto sa akin.
Pakinggan ninyo ako at tuturuan ko kayo
ng pagkatakot sa Panginoon.