Pular para o conteúdo
Publicidade

Salmos 66

1 Kayong mga tao sa buong mundo,

isigaw ninyo ang inyong papuri sa Diyos

nang may kagalakan.

2 Umawit kayo ng mga papuri para sa kanya.

Parangalan ninyo siya sa pamamagitan

ng inyong mga awit.

3 Sabihin ninyo sa kanya,

"O Diyos, kahanga-hanga ang inyong mga gawa!

Dahil sa inyong dakilang kapangyarihan,

luluhod ang inyong mga kaaway sa takot.

4 Ang lahat ng tao sa buong mundo

ay sasamba sa inyo

na may awit ng papuri."

Veja também