Pular para o conteúdo
Publicidade

Salmos 119

9 Paano mapapanatili ng isang kabataan

na dalisay ang kanyang buhay?

Sa pamamagitan ng pamumuhay niya

ayon sa inyong salita.

10 Buong puso akong lumalapit sa inyo;

kaya akoʼy tulungan ninyo

na huwag lumihis sa mga utos ninyo.

11 Ang salita ninyo ay iningatan ko

sa aking puso

upang hindi ako magkasala sa inyo.

12 Purihin kayo Panginoon!

Ituro ninyo sa akin

ang inyong mga tuntunin.

13 Ang mga kautusang inyong ibinigay

ay lagi kong sasambitin,

isisigaw ko nang malakas.

14 Nagagalak akong sumunod

sa inyong mga katuruan,

higit pa sa kagalakang dulot

ng mga kayamanan.

15 Ang inyong mga tuntunin

ay aking pinagbubulay-bulayan

at iniisip kong mabuti

ang inyong pamamaraan.

16 Magagalak ako sa inyong mga tuntunin,

at ang inyong mga salitaʼy

hindi ko lilimutin.

ג Gimel

Veja também